Ni: Bella Gamotea

Humingi ng paumanhin si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa misis ng Turkish foreign minister na nawalan ng jewelry box na naglalaman ng mamahaling alahas, na nagkakahalaga ng P1 milyon, sa loob ng kanyang bagahe sa loading area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kamakailan.

Agad namang sinibak ng kanilang employer, Manila Integrated Airport Services Corporation (MIASCOR), ang apat nitong empleyado na sangkot sa pagnanakaw na sina Yves Ronald Baguion, Wilson Mataganas, Ricardo Alfaro at John Andrews Racoma matapos marekober sa kanilang locker ang nasabing jewelry box ni Madame Hulya Cavusoglu.

Magsasampa ng kasong administratibo ang MIASCOR laban sa apat na suspek.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho