NI: Liezle Basa Iñigo

Isang Karate instructor ang kinasuhan ng child abuse at sexual harassment sa Tuguegarao City Prosecutor’s Office dahil sa umano’y pangmomolestiya sa kanyang babaeng estudyante sa tatlong magkakahiwalay na pagkakataon sa Cagayan.

Ayon kay PO3 May Cadatal, inabuso umano ni Daniel Santos, 43, ng Barangay Caritan Sur, Tuguegarao, ang kanyang estudyante, taga-Bgy. Ugac Norte, noong Mayo 22, 2017, Hunyo 18, 2017, at Hunyo 24, 2017.

Batay sa imbestigasyon, nagpa-practice ng Karate ang dalagita sa paaralan kasama si Santos nang sinadya umanong hipuan ito noong Mayo 22.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Nagyaya naman umano ng inuman ang suspek sa grupo ng biktima sa Bgy. Centro 10 nang muling abusuhin ang bata noong Hunyo 18, at muli umanong naulit ang pangmomolestiya noong Hunyo 24.