Ni: Mina Navarro

Sinimulan na ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapakalat ng karagdagang immigration officers (IOs) sa mga international port sa labas ng Metro Manila, upang maiwasan ang pagpasok ng mga dayuhang terorista, at iba pang undesirable alien, sa mga lalawigan.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, naglabas siya ng kautusan na nag-aatas sa mga IO na mag-report sa ibang international ports sa bansa.

Aniya, layunin nitong madagdagan ang mga tauhan ng BI na itatalaga sa mga pangunahing pantalan na ang magiging trabaho ay salain ang mga bumibiyaheng dayuhan at lokal na turista.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Ipinakalat ang mga IO sa mga paliparan sa Mactan-Cebu, Davao, Iloilo, Kalibo, at sa international seaport sa Zamboanga City.