NI: Rizaldy Comanda
BAGUIO CITY – Naglunsad ng search at rescue operation ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) at pulisya sa driver ng isang vegetable delivery truck na natabunan ng gumuhong bundok sa Tinoc, Ifugao nitong Martes ng hapon.
Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa natatagpuan si Janel Pateyec Baguista, 19, tubong Barangay Gumhang, Tinoc, matapos matabunan ng gumuhong bundok sa Sitio Buhyu, Brgy. Banablayan, dakong 5:00 ng hapon nitong Martes.
Ayon sa imbestigasyon, napilitang huminto sa lugar ang truck ni Baguista at ang isa pang truck nang biglang gumuho ang gilid ng bundok at natabunan ang biktima.