NI: Liezle Basa Iñigo
Dalawang kaso ng suicide ang naitala sa magkahiwalay na lugar sa Bani, Pangasinan at San Isidro sa Isabela.
Sa Barangay Dacap Norte sa Bani, kinilala ang nagpatiwakal na si Ricky Fernandez, 46, utility worker, na natagpuang nakabigti ng lubid dakong 5:00 ng hapon nitong Lunes.
Ayon sa inang si Alvina Fernandez, problemado ang kanyang anak kaya marahil naisipan nitong magpakamatay.
Sa District Ventura sa Bgy. Quezon, San Isidro, Isabela, natagpuang wala nang buhay si Rogelio Singson, 56, na nagpakamatay din, ayon kay SPO1 Jun Noel Martin.