ni Beth Camia

Umapela ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Philippine National Police (PNP) na bigyan ng katarungan ang pamamaslang kay Judge Godofredo Abul Jr., ng Butuan City.

Sinabi ni IBP National President Atty. Abdiel Dan Elijah Fajardo na labis silang nababahala sa pagpatay kay Abul, presiding judge ng Regional Trial Court, Branch 4, Hall of Justice, na nakabase sa Barangay Libertad, Butuan.

Nagpahayag naman ng galit at kalungkutan ang mga mahistrado ng Supreme Court sa nangyari kay Abul, at hinimok ang pulisya na kaagad resolbahin ang krimen.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Binaril at napatay si Abul sa compound ng kanilang bahay sa Butuan City kamakalawa. Nasugatan din sa insidente ang kanyang asawa.