NI: Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan – Nasa 50 katao ang nagkagulo bago nasimulan ang 2017 Civil Service Exam for Professional & Sub Professional level, o Career Service Examination sa Lingayen, Pangasinan.

Ito ay matapos na hindi kaagad payagang makapasok ang mga examinee sa Pangasinan School of Arts and Trades bago ang itinakdang oras ng pagsusulit.

Nabatid na na-late nang ilang minuto ang karamihan sa 50 dahil sa traffic na dulot ng isang pagawain ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Binmaley.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Nag-ingay ang ilang examinee habang nag-iyakan naman ang iba pa hanggang sa payagan na rin ang mga ito na kumuha ng pagsusulit.