ni Roy C. Mabasa

Ipinahayag ng Canada ang 5 taong $10 milyon Canada-ASEAN scholarship sa educational exchanges para sa programang pangkaunlaran.

Inanunsiyo ito ni Canadian Foreign Minister Chrystia Freeland sa ASEAN-Canada Ministerial Meeting kahapon.

Ayon kay Foreign Minister Freeland, bukas ang programa sa lahat ng bansa sa ASEAN sa mga estudyante at mid-career professionals. Partikular nitong pagtutuunan ang kababaihan upang bigyan sila ng kaalaman at kasanayan na makatutulong sa kanila na makapag-ambag sa paglaban sa kahirapan.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“We put together the new program to strengthen people to people ties between Canada and ASEAN,” sinabi ng Canadian foreign minister. “We’re excited for the prospects of this program that we will be able to welcome more ASEAN students and build on that people to people relationships.”