ni Mina Navarro

Siyam na pangunahing daan sa Metro Manila ang sinimulang kumpunihin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Biyernes ng hatinggabi at matatapos bukas, Agosto 7.

Sinabi ni DPWH-National Capital Region Director Melvin Navarro na apektado ng road reblocking ang pangalawang lane ng southbound ng A. Bonifacio Avenue, southbound lane ng EDSA malapit sa Roosevelt, pangalawang lane ng northbound ng Quirino Highway, northbound ng Mindanao Tunnel, pangatlong lane ng northbound ng Congressional, at unang lane ng westbound ng Luzon Avenue sa Quezon City.

Kinukumpuni rin ang southbound ng C-5 malapit sa Julia Vargas, at northbound ng Manila East Road sa Pasig City; gayundin ang northbound ng McArthur Highway malapit sa Monumento Circle sa Caloocan.
Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony