HULI naming nakita si Mark Neumann sa celebrity screening ng Kita Kita sa Trinoma Cinema 7 noong Hulyo kasama ang manager niyang may-ari ng Artista Salon na si Gio Medina at nabanggit na nag-expire na ang kontrata ng aktor sa TV5 at wala naman daw offer to renew.

May mga offer daw ang ibang TV network na hindi naman binanggit nina Mark at Gio kung saan basta hintayin na lang daw, kung saan sila mapapanood ay doon na.

Mark Neumann
Mark Neumann
“Manager ko na lang po ang bahala lahat, I’m just waiting for what’s good for me,” saad ni Mark.

May nagtanong na may offer daw kay Mark sa GMA 7 dahil napanood siya roon, “Nag-guest lang po,” sambit ni Mark.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Kaya pala, magiging Kapamilya siya. Dahil sa episode ng La Luna Sangre nitong Biyernes ay ipinakita si Mark na nasa karamihan na nagmamasid sa grupo ng Moonchasers sa pangunguna ni Daniel Padilla at sa gumaganap na senador na si Joey Marquez.

Sa madaliang kuwento, sa La Luna Sangre pasok si Mark at palaisipan ngayon sa masusugid na tagasubaybay ng serye kung ano ang karakter niya.

Hmmm, kakampi kaya siya ng Moonchasers, ng mga lobo o ng mga bampira?

Tinext namin ang manager ni Mark habang tinitipa namin ang balitang ito kahapon pero hindi kami sinagot. - Reggee Bonoan