Bahagyang tumaas sa 2.8 porsiyento ang inflation rate ng bansa nitong Hulyo, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, nakaapekto sa pagtaas ng inflation rate ang pagtaas ng presyo ng “housing and utilities”, kabilang ang singil sa tubig, kuryente, gas, transportasyon, edukasyon, at “restaurant and miscellaneous goods and services”.

Mas mabilis ito sa 2.7% revised inflation rate na naitala noong Hunyo ng taong ito.

Sinabi naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ni Economic Planning Secretary Ernesto Pernia na ang inflation rate ng bansa ay nananatiling “manageable” at pasok sa 2-4% na target ng pamahalaan. - Beth Camia

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony