Ni MIKE U. CRISMUNDO

BUTUAN CITY – Binistay at napatay ng hindi nakilalang riding-in-tandem ang isang hukom ng regional trial court (RTC), na ikinasugat din ng misis na kasama ng hukom, sa Alviola Village sa Baan Kilometer 3, Butuan City, kahapon ng umaga.

Kasama ang kanyang misis na si Bernadeth Abul, 65, kalalabas lang ni Judge Godofredo B. Abul, Jr., 68, ng RTC Branch 4 sa Barangay Libertad, Butuan, mula sa kanilang garahe sakay sa Mitsubishi Montero Sports nang biglang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo bandang 10:00 ng umaga kahapon.

Niratrat ng mga suspek ang hukom gamit ang hindi pa batid na kalibre ng baril, at nadamay ang misis nito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kaagad na tumakas ang mga suspek at inaalam na ng Butuan City Police Office (BCPO) ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Inatasan naman ni Chief Supt. Rolando B. Felix, director ng Police Regional Office (PRO)-13, si Butuan City Police Office chief Senior Supt. Percival Augustus P. Placer na bumuo ng task force para sa mabilis na ikareresolba ng krimen.

Nabatid na maseselan ang mga kasong hawak ni Judge Abul, kabilang na ang tungkol sa ilegal na droga.