UNITED NATIONS (AFP) – Nagkaisa ang UN Security Council nitong Sabado sa resolusyon ng United States na patawan ng mas mabibigat na parusa ang North Korea dahil sa ballistic missile tests nito – ipinagbawal ang exports sa layuning pagkaitan ang Pyongyang ng $1 bilyong kita sa isang taon.

Nakasaad sa resolusyon ang full ban o lubusang pagbabawal sa iniluluwas na coal, iron at iron ore, lead at lead ore gayundin ng isda at seafood ng North Korea, na tinatayang nagkakahalaga ng kabuuang $3 bilyon bawat taon.

‘’This is the most stringent set of sanctions on any country in a generation,’’ sinabi ni US Ambassador Nikki Haley sa council matapos ang botohan. ‘’These sanctions will cut deep and in doing so, will give the North Korean leadership a taste of the deprivation they have chosen to inflict on the North Korean people.’’

Pinipigil din ng resolusyon ang pagtaas ng bilang ng mga manggagawang ipinadadala ng North sa ibang bansa, gayundin ang bagong pamumuhunan o pagnenegosyo dito.
Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony