MACTAN, Cebu – Sumadsad ang eroplano ng Cebu Pacific, na patungong Maynila at may sakay na 435 pasahero, sa runway ng Mactan Cebu International Airport bago ito lumipad nitong Biyernes ng gabi.
Nangyari ang insidente bandang 6:35 ng gabi, at walang naiulat na nasaktan sa mga pasahero ngunit nagdulot ito ng pansamantalang pagsasara ng runway, kaya nalihis ang iba pang Cebu Pacific at Cebgo flights.
Binuksan ang runway dakong 10:45 ng gabi nitong Biyernes, ayon sa mga awtoridad ng Mactan airport.
Sa isang pahayag, sinabi ng airline na nagkaroon ng bahagyang aberya ang Cebu Pacific Flight 5J570 habang papalipad.
“The aircraft’s nose wheel or front landing gear went outside of the runway. Passengers were immediately deplaned so that the
Dahil sa pansamantalang pagsasara ng runway sa Cebu nitong Biyernes ng gabi, ilang Cebu Pacific at Cebgo flights ang inilihis. - Mars W. Mosqueda, Jr.