NI: Marivic Awitan
Laro Ngayon
(Calasiao Sports Complex)
5 n.h. -- Ginebra vs NLEX
ITATAYA ng NLEX ang malinis na rekord at solong pamumuno sa pagsagupa sa crowd favorite Barangay Ginebra sa nakatakdang road game ngayon sa pagpapatuloy ng 2017 PBA Governors Cup sa Calasiao Sports Complex sa Calasiao, Pangasinan.
Ganap na 5:00 ng hapon ang tapatan ng Kings at Road Warriors na naghahangad ng kanilang ikalimang sunod na panalo at maipagpatuloy ang magandang panimula kasunod ng nakakadismayang pagtatapos sa naunang dalawang conference.
Para kay NLEX coach Yeng Guido, nagsisimula pa lamang maglaro ang Road Warriors bilang isang koponan.
“It’s a really nice to win,” ani Guiao. “We’re starting to look like a team. We’ve been winning games in the end game, been able to hold our own and pull through in the crisis situations."
“That’s a good sign for a team that’s really just trying to put it together,” dagdag pa niya.
Gayunman, hindi pa rin nawawala sa kanila ang pag -aalinlangan sa tinatakbo ng team kaya naman, inaasahang magiging sukatan ng kanilang nilalaro ang nakatakdang laban ngayon sa pamosong Kings.
“We have four wins but hindi ko pa din alam kung totoo ito or kunya-kunyarian pa lang. So let’s see,” ayon kay Guiao.
“Our next game is Ginebra, I guess that’s going to be a really good measure of what kind of a team we really are.”
Target naman ng Kings ang ikatlong panalo kasunod ng naging paggapi nila sa Kia, 120-94.
Muling sasandigan ng Kings ang import na si Justine Browner na nagposte ng 26 puntos, 10 rebound, pitong assist at dalawang block sa nakaraan nilang laro.