NI: Orly L. Barcala

Dalawang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki, na kapwa hinihinalang biktima ng summary execution, ang natagpuan sa Valenzuela City kamakalawa.

Inilarawan ni Police Supt. Reynaldo Medina, deputy chief of police for operation (DECOPO) ng Valenzuela Police, ang isa sa mga biktima na nasa edad 20-30, may taas na 5’3”, nakasuot ng itim na shorts, sando, may tattoo sa daliri at may marka ng pagkakasakal. Inilarawan naman niya ang ikalawang biktima na nasa edad 25-35, 5’4” ang taas, nakasuot ng itim na shorts, pulang t-shirt, may tattoo sa kamay at may nylon chord sa leeg.

Base sa report, natagpuan ni Daniel Del Mundo, barangay tanod, ang mga bangkay sa madamong bahagi ng Viente Reales at Canumay Street, dakong 5:30 ng madaling araw.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Naniniwala si Medina na sa ibang lugar pinatay ang mga biktima at itinapon lamang sa Valenzuela City.