NI: Johnny Dayang
ANG pagkakagulo kaugnay ng planong paglilipat ng Dagupan City Hall sa isang palaisdaan, na draft ordinance, ay umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa iba’t ibang sektor.
Kilala ang Dagupan sa industriya ng bangus na kasalukuyang nababahala sa malawakang pagpapalit ng palaisdaan sa kahabaan ng Lucao-Dawel Diversion Road, kung saan matatagpuan ang proposed relocation site.
Ang lugar ay inihandog ng negosyanteng si Kerwin Fernandez, kapatid ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez, na ang pamilya ay miyembro rin ng barangay chaimen federation ng lungsod na pinamumunuan ng isa pang Fernandez, upang suportahan ang planong paglilipat.
Sinabi ni City Vice Mayor Brian Lim na ang planong paglilipat ng city hall “specifically to the property of the mayor’s family is an act of corruption as it will trigger the appreciation in value of the mayor’s landholdings immediately surrounding the proposed relocation site.”
Sa pagsuporta sa paglilipat, ipinahayag ng City Auditor, sa isang opinyon, ang benepisyo ng relokasyon ay hindi magiging limitado sa katabing ari-arian ng donor kundi kabilang din ang iba pang lupa na hindi pag-aari ng donor.
Ang nasabing opinyon ay makabuluhan. Ang paghahandog ng lupa na hindi pinakikinabangan, na karaniwang ginagawa ng mayayaman, ay pangkaraniwan na.
Kung talagang nais ng donor, si Kerwin Fernandez, ng mas maayos na lugar para sa bagong city hall, bakit hindi pumili ng mas akmang pag-aari, na marami ang kanyang pamilya, kaysa palaisdaan?
Karamihan sa mga taga-Dagupan ang nagsasabing maayos na ang kasalukuyang kinatitirikan ng city hall dahil dito naukit ang kasaysayan ng kanilang lungsod sa nakalipas na 92 taon, at ikinukonsidera na ngayong heritage landmark at patrimonial legacy. Maraming taga-Dagupan ang nagsabing hindi nila lubos maisip ang kanilang lungsod sa isang palaisdaan.
Gaya ng sinabi ni Vice Mayor Lim, hindi kinakailangang gumastos ng P1 bilyon ng Dagupan upang mapaunlad ang paglilipat. “We should be focused on decongesting traffic, flood mitigation, waste management, and protecting our bangus industry. Now is not the right time to do it and the motives behind it are corrupt,” diin ni Lim.