Ni: Argyll Cyrus B. Geducos

Inihayag ng Malacañang kahapon na ang four-month suspension penalty na ipinataw kay Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman-CEO Jose Vicente Salazar ay dahil sa insubordination.

Kasunod ito ng 90-araw na preventive suspension na parusa ng Palasyo kay Salazar noong Mayo upang maisagawa ng Malacañang ang imbestigasyon nang hindi nakikialam ang opisyal.

Batay sa official documents ng Palasyo na may petsang Agosto 2, 2017, nalaman ng Office of the Executive Secretary (OES) na guilty sa salang insubordination si Salazar, kaya pinarusahan siya ng apat na buwang suspensiyon na walang suweldo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ipinaliwanag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Ana Marie Banaag kahapon na hindi tumalima si Salazar sa appointment ng Malacañang kay ERC Commissioner Geronimo Sta. Ana bilang officer-in-charge (OIC) Executive Director at sa halip ay itinalaga si ERC Davao City Chief Ronaldo Gomez sa naturang posisyon.

“There was a time that the Office of the Executive Secretary endorsed or appointed the OIC si Mr. Sta. Ana. And then after that nag-appoint, for his leave of absence, si Chairman Salazar, in-appoint si Atty. Gomez. This is the insubordination part,” paliwanag ni Banaag kahapon.

Nilinaw din ni Banaag na ang four-month suspension na ipinataw kay Salazar ay hindi extension ng 90-day preventive suspension nito.