WASHINGTON (AFP) – Labag sa kalooban na nilagdaan ni US President Donald Trump ang mga bagong parusa laban sa Russia nitong Miyerkules dahil sa domestic pressure.

Sinabi ni Russian Prime Minister Dmitry Medvedev na ang mga parusa ay katumbas ng ‘’full-fledged economic war on Russia’’ at nagpapakita ng “total weakness” ni Trump “in the most humiliating way.”

‘’It ends hopes for improving our relations with the new US administration,’’ deklara ni Medvedev sa kanyang Facebook page.

Nilagdaan ni Trump ang batas matapos ang bigong pagsisikap ng White House na lusawin o pahinain ang panukala.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Halata ang pag-aatubili ni Trump sa kanyang galit na pahayag nang lagdaan niya ang panukalang batas na tinawag niyang ‘’significantly flawed.’’

‘’I built a truly great company worth many billions of dollars. That is a big part of the reason I was elected. As president, I can make far better deals with foreign countries than Congress,’’ anang Trump.