NI: Reggee Bonoan

MARAMING naghahanap ng official soundtrack (OST) album ng seryeng The Better Half (tulad sa album din ng FPJ’s Ang Probinsyano) dahil magaganda raw at nakaka-LSS (last song syndrome) tulad ng Marcos’ Theme: Saglit at Malaya na parehong kanta ni Moira dela Torre, ang Hanggang nina Morissette at Erik Santos; Anong Nangyari sa Ating Dalawa ni Aiza Seguerra at Bawat Daan ni Ebe Dancel.

Madali lang, dahil napapakinggan na pala ang playlist nito sa starmusicph.com, itunes.ph at Spotify.

Sa mga gusto namang makita ng personal ang mga bida ng seryeng The Better Half na sina Shaina Magdayao, Carlo Aquino, JC de Vera at Denise Laurel ay pumunta sa Robinsons Antipolo Atrium sa Sabado (August 5), 5 PM para sa mall show cum fans day.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Anyway, sa napapanood na kuwento ngayon ng The Better Half, alam na ni Camille (Shaina) na may kinalaman si Bianca (Denise) sa pagkamatay ni Sheryl (Regine Angeles) nang mabasa niya ang sulat ni Jonas (Gerald Madrid).

Binuksan na ulit ang kaso laban kay Bianca at maghahanap sila ng mga testigo para madiin ito at isang tao ang magpapatunay na si Ferdie.

Magtutulungan namang umalis si Bianca ng bansa at ama nitong si Alfredo (Bart Guingona) at matutunugan ito nina Camille, Rafael (JC) at Marco (Carlo) ang kanilang plano kaya susundan nila ang dalawa.

Si Alfredo (Bart), sa kagustuhang masagip ang anak ay makikipagpambuno sa mga police at kalauna’y mababaril. Hindi matatanggap ni Bianca ang nangyari sa ama kaya sumumpang maghihiganti kay Camille.