Ni: Light A. Nolasco

CABIAO, Nueva Ecija – Kapwa nasawi ang isang barangay tanod at asawa nito makaraan silang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa Barangay San Antonio sa Cabiao, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Chief Insp. Rico Cayabyab sa tanggapan ni Mayor Ramil Rivera, nakilala ang mga biktima na sina Ricardo dela Cruz Abundo, 52, tanod at tagaputol din ng Nueva Ecija Electric Cooperative (NEECO); at Nenita Limpin Abundo, 50, kapwa taga-Bgy. San Antonio.

Dakong 8:00 ng gabi nitong Hulyo 27 at kauuwi lang ng mag-asawa, ipinaparada ni Ricardo ang kanyang tricycle nang lapitan siya ng nakamotorsiklong salarin at pagbabarili sila.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Inaalam pa ang motibo sa krimen.