Ni Edwin G. Rollon

Maglaro at mangarap para sa mga Batang Bakwit.

NAWALAY man sa kaibigan, pamilya at kalaro, nananatili ang pangarap sa batang kaisipan ng mga ‘Batang Bakwit’ mula sa napulbos na Marawi City.

marawi2 copy

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tunay na nagresulta ng pagkapoot ang digmaan sa pagitan ng mga rebelde at kasundaluhan,ngunit hindi maitatangi na sa kaguluhan— higit na biktima ang mga kabataan.

Bilang kontribusyon sa programa ng pamahalaan na ibangon ng Marawi City at bigyan ng dignidad ang mga paslit na nailayo sa kanilang normal na pamumuhay, isinailalim sa Children’s Game ang mahigit na 350 bata para maipadamang muli sa kanila ang seguridad sa kanilang malayang paglalaro.

“Sa kasalukuyang kaganapan sa Marawi City, at tunay na talo ang mga kabataan. Hindi kami makapapayag na nawalan na nga ang marami sa kanila ng babalikan ng tahanan, mawawala pa ang kamusmusan sa kanilang isipan,” pahayag ni Ramirez.

“As the government is now shifting its plan in rehabilitation, we at the PSC is doing our share by giving the youth the proper care and keep them away from conflict. Yung makita mong magbalik ang ngiti sa kanilang mga labi at madama nilang ligtas silang makapaglaro, malaking bagay ito para sa Philippine sports,” sambit ni Ramirez.

Walang ma-iiwan at walang itatangi ang sports anuman ang katayuan sa buhay at paniniwalang spiritual. Sama-sama ang lahat para makibahagia at makapagsawa sa Children’s Games na isinagawa sa Sgt. Miguel Canoy Memorial Cultural School.

Nakiisa ang lahat sa iba;t ibang laro, kabilang ang traditional Filipino games, volleyball at football.

“Maganda po at masaya,” pahayag ng 11-anyos na si Almira mula sa tribong Maranao.

“Gusto kong maging sundalo,” sambit ni Almira, naging inspirado sa nakitang sakripisyo ng kasundaluhan para masiguro na makamit ang kapayapaan.

Tulad niya, nanatiling positibo ang kaisipan ng 11-anyos na si Barry, na nanguna sa iba’t ibang laro.

“Salamat po sa PSC sana pagpalain kayo ni Allah at bigyan kayo ng blessings. Salamat sa lahat ng ginawa nyo sa amin.

Sa mga katulad ko, mag-aral ng mabuti,” aniya.

Nakiisa naman ang mga teenager ng Marawi City sa personal development program sa pmamagitan ng dancing, singing at role playing program.

“Very touching, nakakatawa at maganda,” pahayag ng 15-anyos na si Aleha.

“Salamat po nawalan po kami ng phobia at takot sa (nangyayari sa) Marawi. Na-enjoy ko ang practice namin at pagsasadula. Payo ko lang sa mga kabataan na wag mawalan ng pag-asa at mag-aral hangga’t makatapos,” sambit naman ng kabigang si Mahathir.

Ayon kay Ramirez, ang play therapy, sa pamamagitan ng Children’s Games, ang pundasyon sa Sports for Peace Program ng PSC.

“We’re planning to send more sports pyschologists and hold more sports programs for them with the Philippine Sports Institute (PSI),” pahayag ni Ramirez.