ni Mary Ann Santiago
Sa pagsusumikap na mapalago ang industriya ng turismo sa Pilipinas, binuhay ng Department of Tourism (DoT) ang proyektong “Invite Home a Friend”.
Kasabay nito, hinikayat ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo ang Filipino expats sa North America, partikular na ang mga young professional, millennial at social media influencer na makiisa at suportahan ang naturang proyekto.
Ayon kay Teo, binuhay ng DoT ang naturang incentive travel program, na inilunsad ni dating Tourism Secretary Mina Gabor noong 1994, na ikalawang top source ng foreign arrivals ng Pilipinas.
Sa ilalim ng nasabing programa, ang mga Pinoy na makapag-iimbita ng dayuhan upang bumisita sa bansa ay pagkakalooban ng libreng flight at hotel accommodation habang ipinapasyal ang kanyang mga kaibigan sa mga tourist destination sa bansa.
Nabatid na kabilang sa initial target markets ng programa ay ang next-generation Filipino-Americans, Filipino expats na naninirahan sa Amerika, na mahilig sa leisure travels.
“We are hoping to award two lucky [isang balikbayan at isang friend-nominee] winners beginning September this year. Travel reward may be used anytime between January and April 2018,” ayon pa sa tourism chief.