Ni: Niño N. Luces

CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Tatlong magkakaangkas sa motorsiklo ang kaagad na nasawi nang bumangga ang sinasakyan nila sa isang SUV sa highway ng Barangay Cabunturan sa Malinao, Albay nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ni Chief Insp. Arthur Gomez, tagapagsalita ng Albay Police Provincial Office (APPO), ang mga nasawi na sina Pedro Clet y Cruzana, 52, retiradong pulis; Josely Cuentas, 43, kapwa residente ng Bgy. Libtong; at Jose Cantor, 52, ng Bgy. Libjo, pawang sa Tiwi.

Ayon kay Chief Insp. Gomez, magkakaangkas ang mga biktima sa Honda Wave motorcycle na minamaneho ni Clet nang makasalpukan ang Suzuki Ertiga ni Jimmy Borlagdan y Anacleto, ng Bgy. Sugod, Tiwi.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

“Nakainom ng alak ‘yung driver ng SUV. Galing daw sa lamay ng namatay na kamag-anak. Nakatulog habang nagmamaneho kaya nawala sa linya ‘yung minamaneho niya,” sabi ni Chief Insp. Gomez.