Ni: Gilbert Espeña

Tatangkain ni dating WBO Oriental champion Jaycever Abcede na muling makapasok sa world rankings sa pagkasa sa walang talong Hapones na si Tsubasa Koura para sa bakanteng OPBF minimumweight title bukas sa pamosong Korakeun Hall sa Tokyo, Japan.

May kartadang 14-6-0 na may 9 panalo sa knockouts, dehado si Abcede kay Koura na may perpektong kartada na 10 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts.

Pero ngayon lamang haharap si Koura sa mas beteranong tulad ni Abcede na natalo lamang sa puntos sa mga tulad nina world rated at walang talong si PABA minimumweight champion Panya Pradabsabri at kasalukuyang WBC minimumweight champion Wahyeng Menayohing kapwa ng Thailand.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sinabi ni Abcede sa Balita na pipilitin niyang patulugin si Koura para muling makabalik sa world rankings at magkaroon ng pagkakataon sa kampeonatong pandaigdig.