Ni: Orly L. Barcala

Sa gitna ng malakas na buhos ng ulan ay tumambad sa mga barangay tanod ang bangkay ng isang lalaki na nakagapos ang mga kamay at hinihinalang itinapon sa madilim na bahagi ng Navotas City, nitong Huwebes ng gabi.

Kiilala ang biktimang si Toto Sabulao, nasa hustong gulang, ng Barangay Bangkulasi, Navotas.

May mga tama ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktima sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kuwento ni Rowell Managuid, barangay ex-o, nakarinig siya ng mga putok ng baril sa C-4 sa Bgy. Bangkulasi, bandang 11:00 ng gabi.

Matapos makitang nakahandusay sa lugar si Sabulao at namataan din umano ni Managuid ang tatlong lalaking magkakaangkas sa motorsiklo habang papatakas.

Nakuha naman umano ng Scene of the Crime Operations (SOCO) sa bulsa ni Sabulao ang isang plastic sachet na may lamang shabu.