Ni: Mary Ann Santiago

Simula ngayong araw ay lilipat na sa Clark, Pampanga ang punong tanggapan ng Department of Transportation (DOTr), bilang bahagi ng kanilang pagsusumikap na mapaluwag ang daloy ng trapiko sa Metro Manila at mapaunlad ang ekonomiya sa kanayunan.

“The decision to transfer is in line with the unwavering efforts of the government to decongest Metro Manila, reduce travel time, improve travel of motorists and help boost development in its peripheries,” saad sa kalatas ng departamento.

Unti-unti ang gagawing paglilipat upang matiyak ang system at efficient transition nito. Unang ililipat ang mga tanggapan ng Secretary, Undersecretaries, at Communications. Inaasahan na makukumpleto ng DOTr ang paglilipat bago matapos ang taon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter