WINALIS ng six-man Sanman Boxing Club ang mga karibal sa Brawl at the Mall: Collision Course nitong Linggo sa Robinson’s Place sa General Santos City.

Pinatulog ni reigning International Boxing Federation (IBF) Youth super flyweight champion Jade Bornea ang karibal na si Nicardo Calamba may 2:25 sa second round para mapanatiling malinis ang karta saw along laban, tampok ang limang knockout.

Naitala naman ni bantamweight Ben Mananquil ang unanimous decision kontra Kim Lindog ng Wowie Lalanto Stable ng Cagayan de Oro City para sa ika-14 na career win.

Sa main event, nakuha ni Engelbert “Aguila” Moralde ng Davao City ang majority decision kontra Gensan’s Jestoni Makiputin. Nahila ni Moralde ang karta sa 9-5-0, tampok ang anim na TKO.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa iba pang laban, matikas ang pro debut ni Jerwin Mama sa impresibong first round stoppage kontra Roger Salaton (1:14), habang naitala ni Mark Antonio ang pinakamabilis na panalo nang pasukuin si Elizer Ambon ng Maasim sa loob lamang ng 57 segundo sa first round at nagwagi via desisyon si Dave Apolinario kay Rio Golipatan sa four rounder.