HILL copy copy

Ni: Marivic Awitan

KAAGAD na nagdesisyon ang coaching staff ng Star Hotshots at pinalitan ang kanilang import na si Cimeon Bowers.

Kinumpirma mismo ni Hotshots coach Chito Victolero ang nasabing desisyon kung saan kinuha nilang bagong import ang batang-batang si Malcolm Hill Jr..

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Yes, nagpalit na kami [ng import],” pahayag ni Victolero.

Ito'y sa kabila ng panalo ng Star sa una nilang laban kontra Blackwater, 103-86, noong Linggo kung saan tumapos si Bowers na may 15 puntos, walong rebound, limang assist at isang block.

Ngunit, bago pa lumaro kontra Elite, kinumpirma nilang nasa bansa na si Hill at nakapirma na ng kontrata sa koponan.

Galing si Hill sa apat na taong paglalaro sa University of Illinois bago nabigong ma -draft sa nakaraang 2017 NBA Drafting.

Naging bahagi din ang 6-foot-6 native ng St. Louis, Missouri ng Summer League team ng Oklahoma City Thunder.