HINDI halatang break na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid dahil walang nabago sa samahan nila. Close pa rin sila, maharot, at pabirong comment ng isang reporter, nilalandi pa rin ni Ruru si Gabbi. Hindi nga namin sila makunan ng maayos na litrato habang magkasama dahil ang likut-likot nilang dalawa.

GABBI AT RURU copy copy

Pero bulong sa amin ng isang nakakaalam sa totoong nangyari ng dalawa, magaling lang umarte sila Ruru at Gabbi at siguro raw, naka-move on na sa kanilang break-up, kaya friends na uli.

Magkasunod naming nakausap sina Ruru at Gabbi sa set ng Sunday Pinasaya na nagsi-celebrate ng second anniversary sa August 9. Pumatak sa Wednesday ang Aug. 9, posibleng sa Aug. 6, ang anniversary episode ng show.

Trending

'Congrats, Engr. (Andres)³!' Pangalan ng board exam passer, kinaaliwan

Aalis si Gabbi sa July 29, for Nice, France para sa pictorial for Mega Style, one week siya sa France, kaya malamang na wala siya sa anniversary ng Sunday Pinasaya. Pero kasama pa rin siya sa anniversary episode, kukunan na lang siguro in advance ang kanyang segment.

Nagparinig si Ruru na mami-miss niya si Gabbi at panay ang pa-charming, pero ayaw maniwala ni Gabbi. May Alyas Robin Hood 2 naman daw siya at biniro rin ng mga reporter na may Maureen Wroblewitz naman siya, ang winner sa Asia’s Next Top Model na crush ng binata.

Wala si Gabbi sa Alyas Robin Hood 2, kaya thankful sila ni Ruru na may Sunday Pinasaya sila dahil napapanood pa rin sila ng GabRu fans na magkasama.

“’Yung mga Gabru fans na nabitin sa love team namin, sa Sunday Pinasaya n’yo kami panoorin. But I’m pretty sure, hindi sa Encantadia ang last time na mapapanood kami ni Ruru. Hintayin na lang natin ang magiging desisyon ng GMA-7.

Pero, may gagawin akong soap this year,” balita ni Gabbi na tiyak na hindi si Ruru ang kanyang kapareha.