Ni ADOR SALUTA

SA kanyang pagharap sa reporters sa presscon ng kanyang pinagbibidahang Wansapanataym Presents Amazing Ving, tinanong ang child star na si Awra Briguela kung totoo bang siya na ang napili para maging Ding sa upcoming Star Cinema’s Darna na pagbibidahan ni Liza Soberano.

Dahil kasikatan ni Awra at magaling namang umarte sa Ang Probinsyano, marami ang humuhula na baka siya nga ang piliing Ding ni Direk Erik Matti?

Awra
Awra
“Hindi po totoo na in-offer-an akong mag-Ding,” aniya. Tanggap niya na malayo ang kanyang personalidad sa naunang gumanap na Ding.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Hindi ko ini-expect, hindi po ako nag-o-overthink na maging Ding ako kasi, unang una, hindi bakla si Ding. Ibang-iba iyong personality niya sa personality ni Awra,” sabi niya na ikinaaliw ng press people.

Hindi man siya si Ding, siya naman si Ving, ang role niya sa Amazing Ving. Isa siyang superhero na may hawak na bato? Parang siya na rin si Ding, ‘di ba, Ving?