Ginebra sisimulan ang title defense

Ni: Marivic Awitan

Mga laro ngayon

Araneta Coliseum

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

4:30 p.m. Blackwater vs. Star

6:15 p.m. Barangay Ginebra vs. Meralco

Sisimulan ngayon ng crowd favorite at defending champion Barangay Ginebra ang kanilang title retention bid sa pagsagupa nila sa Meralco sa tampok na laro ngayong gabi ng 2017 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum

Tiniyak kamakailan ni Ginebra coch Tim Cone na hindi totoo ang usap-usapan na pagbibigyan nila ang sister squad San Miguel Beer upng magkaroon ng katuparan ang target ng mga itong Grand Slam.

justine copy copy

“We’re not going to step aside and let them try to win a championship. Forget it; we’d never do that even if it was a grand slam or not. We’d never do that, ” ani Cone.

“(San Miguel is) Ginebra’s number one rival – it’s not Talk ‘N Text; it’s not Meralco or Alaska even,” dagdag nito.“Our number one rival: San Miguel. Our number two rival? Star. We want to beat those guys more than anybody else, that’s for sure.”

Hanggang ngayon ay tila sariwa pa sa alaala ng mga fans ng Kings ang buzzer-beating triple ni import Justin Brownlee sa Game 6 ng nakaraang Governors Cup finals na tumapos sa 8-taong title drought ng koponan.

Muli, sasandigan ng Kings ang kanilang 29-anyos na import upang pamunuan ang pagtatanggol sa kanilang titulo kabalikat ng mga pangunahin nilang locals na sina Scottie Thompson, LA Tenorio, Joe Devancem, ang nagbabalik na si Greg Slaughter at Japeth Aguilar.

Ganap na 6:15 ng gabi ang pagtitipan ng nakaraang taong finals protagonist matapos ang salpukan ng Blackwater Elite at ng Star Hotshots sa pambungad na laro ganap na 4:30 ng hapon.

Gayunman, inaasahang gaya ng naging salpukan nila noong nakaraang taong Finals, hindi magiging ganoon kadali para sa Kings ang makamit ang asam na tagumpay lalo pa’t inspirado ng Bolts mula sa naitalang malaking panalo kontra Elite sa nakaraan nilang laban noong Biyernes na nagtapos sa iskor na 107-78.

“It was exactly the kind of start we were hoping for. Going into the conference, we played pretty well in our last two exhibition games against Alaska and Global,” ani Meralco head coach Norman Black. “We were hoping we could carry that over into our game today.”

Malaking bagay para sa Bolts ayon kay Black ang bagong recruit na si Garvo Lanete mula sa NLEX na tumapos na may 15 puntos off the bench sa una niyang laro para sa koponan.

Bukod kay Lenete, inaasahan ding muling mamumuno para sa koponan sina import Allen Durham na tiyak na nasa isip din ang pagbawi sa kabiguang ipinalasap sa kanila ni Brownlee noong isang taon kasama sina Baser Amer, Cliff Hodge , Chris Newsome at Jared Dillinger.

Mauuna rito, inaasahan namang babawi ang Elite mula sa nakapanlulumong kabiguang natamo sa kamay ng Bolts sa pagsagupa nila sa ngayon pa lamang sasalang na Star Hotshots.

Nakatakda namang iparada ng Hotshots ng baguhang import na si Cinmeon Bowers na manggagaling sa Israel kung saan siya naglaro para sa koponan ng Galil Elion.