Nina BETHEENA KAE UNITE at LESLIE ANN AQUINO

Para sa mga forwarding companies sa abroad, simula sa Oktubre 15, 2017, kinakailangan nang magbigay sa Bureau of Customs (BoC) ng listahan ng mga item sa bawat package na ipinapadala ng overseas Filipino workers (OFWs) kung ayaw nilang masuspinde.

Ito ang ipinahayag ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon kasunod ng mga consolidator sa abroad na ang karagdagang requirement ay magiging sanhi lamang ng pagkaantala ng mga balikbayan box na ikagagalit ng mga OFW.

Nais ng BoC, sa ilalim ng Memorandum Order 04-2017 na pinamagatang Guidelines on the Implementation of Customs Administrative Order (CAO) No. 05-2016 on Consolidated Shipment of Duty and Tax-Free “Balikbayan Boxes” with Revised Information Sheet, na ilista ng mga nagpapadala ang laman ng kani-kanilang package.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

At sa parte naman ng mga consolidator, ipadadala nila ang kopya ng listahan sa BoC. Gayunman, humihingi ng extension ang mga consolidator.

“Ang nagko-complain talaga ay itong consolidators. They are our partners, we require them to provide us the copy of the lists of these boxes and they have been asking an extension since January and they still want another extension,” ani Faeldon.

Tuluyang ipatutupad ang nasabing utos sa Agosto 1, 2017 at pagkakalooban ang mga consolidators ng 45 araw na allowance sa pagproseso ng mga dokumento.

Ang pagsasama ng mga resibo sa balikbayan boxes ay karagdagang pahirap para sa mga OFW, ayon sa isang pari.

Ito ang naging komento ni Bishop Ruperto Santos, chairman of the Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People, sa bagong kautusan ng BoC sa balikbayan box.

Ipinaliwanag ni Santos na ang pinakabagong utos ay magiging

“problematic and burdensome” sa mga OFW na kadalasang naghihintay ng isang buwan bago mapuno ang kanilang balikbayan boxes.

“To fill up a balikbayan box usually takes up months as they wait for sales and they will ship them for Christmas or before graduations. And so to keep up receipts is added difficulty,” aniya sa isang panayam.

“Besides most items like food items or clothing are gifts from their employers. So it is very shameful to ask for receipts from them,” dagdag ni Santos.