Ni: Jeffrey G. Damicog
Nakatakdang magsagawa ng preliminary investigation ang Department of Justice (DoJ) laban sa 15 sa inarestong 45 dayuhan na pawang hinihinalang miyembro ng isang Chinese kidnap-for-ransom group.
Ayon kay Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon, ang preliminary insvestigation ay nakatakdang magsimula sa Lunes kung kailan ihahain ng 15 suspek ang kani-kanilang counter-affidavits sa mga kasong isinampa laban sa kanila.
Nagpahayag ng intensiyon ang 14 na sumailalim sa preliminary investigation nang lagdaan nila ang isang waiver of detention sa inquest proceedings na isinagawa laban sa 45 dayuhan sa Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame nitong Miyerkules.
Sa kabilang dako, pinaghahanap pa rin ang isa sa mga suspek na nakatakdang maghain ng kanyang counter-affidavit.
Samantala, isinumite na ang kaso laban sa 30 iba pang suspek para sa resolution matapos sumailalim sa inquest.