Ni Ernest Hernandez

BALIK sa normal na pamumuhay si Manny Pacquiao. Wala ang bakas ng alalahanin sa kontrobersyal na kabiguan kay Australian Jeff Horn may dalawang linggo na ang nakalilipas sa ‘Battle of Brisbane’.

Nakadalo ng sa Senado si Pacman at nakikibahagi na sa Kia basketball team sa PBA Governors Cup kung saan nabigo ang dating Mahindra laban sa Phoenix Fuel Masters, 118-105.

arum_pacquiao copy

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ngunit, ang katanungan hingil sa kanyag relasyon kay promoter Bob Arum ang nananatiling sentro ng isyu magpahanggang ngayon. Sa ngayon, walang dapat ipagamba sa kanyang ugnayan sa American promoter.

“Wag lang muna mag-salita sa mga ganyang isyu,” sambit ni Pacquiao. “Ok naman kami ni Bob.”

Sentro ng usapin ang relasyon ng eight-divison world champion kay Arum matapos ang naging pahayag ng Top Rank Promotion chief na ang trabaho ni Pacquiao sa Senado ang isang dahilan sa mababang performance nito laban kay Horn.

Para kay Pacquiao, hindi problema ang kanyang trabaho kundi ang mga uri ng hurado na napili sa araw ng laban.

“Wala naman. Hindi naman tayo apektado sa laban,” aniya. “Ang naging problema lang yung mga judges.”

Itinanggi rin ni Pacquiao ang napabalitang naghahanap siya ng bagong promoter. Matatapos ngayong taon ang kanyang kontrata kay Arum.

“Wala naman,” sambit ni Pacquiao.

Sa kabila ng tambak na trabaho sa Senado, inamin ni Pacquiao na nasusubaybayan niya ang napipintong laban sa pagitan nina un beaten boxing champion Floyd Mayweather, Jr. at mixed martial arts superstar Conor McGregor.

“Naririnig ko lang. Napapanood ko sa Internet,” pahayag ni Pacquiao.

Usapan pa rin ngayon ang remath niya kay Mayweather, subalit kontra kay McGregor, tahasang sinabi ni Pacman na hindi ito uubra sa dating karibal.

Nakatakda ang laban nina Mayweather at McGregor sa Agosto sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

“Boxing ang paglalabanan, so sa boxer tayo,” aniya.