Ni: Fer Taboy
Nagpakamatay sa pagbibigti ang isang ginang sa matinding takot na hindi niya mabayaran ang kanyang utang sa Guinayangan, Quezon kahapon.
Batay sa imbestigasyon ng Guinayangan Municipal Police, wala nang buhay nang matagpuang nakabitin si Olivia Teaño, 54, ng Barangay Sta. Cruz, Guinayangan.
Nauna rito, iniulat ng pulisya na narinig umano ng kapitbahay ni Teaño na dumaraing ito dahil walang panghulog sa perang inutang sa lending company, at nagbantang magpapakamatay.