Ni: Jun Fabon

Arestado ang magkapatid na umano’y tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Quezon City, iniulat kahapon.

Sa report ni Police Supt. Pedro Sanchez, hepe ng Kamuning Police-Station 10, kinilalang ang hinuli na sina Diane Tumaroy at Thalia Tumaroy, 20, ng Tagum City at nakatira sa Manalo Street, Barangay Immaculate Concepcion, Quezon City.

Ikinasa ng mga tauhan ng QCPD Anti-Drug Unit at ng PDEA-NCR Agents ang operasyon sa V. Luna Road, Bgy. Pinahan, dakong 10:30 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isang pulis ang nagpanggap na buyer ng shabu, sa halagang P500, at tuluyang inaresto ang mga suspek habang inaabot ang droga.

Kasalukuyang nakakulong ang magkapatid sa QCPD-PS10 at kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.