Ni: Leandro Alborote

RAMOS, Tarlac - Natuon ang sisi ng tatlong kabataan sa isang baka na biglang tumawid sa kalsada kaya nabangga ito ng sinasakyan nilang motorsiklo, na ikinasugat nila sa Ramos-Anao Road, Purok Namnama, Barangay Coral sa Ramos, Tarlac, nitong Martes ng hapon.

Sugatan sina Justin Louis Bautista, driver ng motorsiklo na walang plaka, ng Purok Pag-asa; Roderick Alcantara; at Ryan Martinez, ng Sitio Mapantat, Bgy. Coral, Ramos. Pawang 17 anyos ang mga biktima.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog