Nina ALI G. MACABALANG at LEO P. DIAZ

Nabuhayan ang iba’t ibang sektor ng stakeholders sa Mindanao sa positibong marka ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga mambabatas sa bagong Bangsamoro Basic Law (BBL) draft.

“It’s a great source of relief, at least, in our stark moments in displacement,” pahayag ni Junaira Macala, 56, sa Balita sa salitang Maranao.

President Rodrigo R. Duterte (C) gestures with peace sign with the members of the peace panel after the a turnover ceremony of the Bangsamoro Basic LaW draft at the Malacanan Palace on Monday, July 17, 2017.(Czar Dancel)
President Rodrigo R. Duterte (C) gestures with peace sign with the members of the peace panel after the a turnover ceremony of the Bangsamoro Basic LaW draft at the Malacanan Palace on Monday, July 17, 2017.(Czar Dancel)

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Si Macala, isa sa 25 Iligan City-sheltered Maranao evacuees na nakapanayam kahapon ng Balita, ay naniniwala na dahil sa madugong bakbakan sa Marawi City ay naisumite at naaksiyunan nang maaga ang BBL.

Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang mga state executive at mga mambabatas sa pagsuporta sa bagong draft na kanyang natanggap mula kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) chair Murad Ebrahim at kina vice chairs Ghadzali Jaafar at Mohaquer Iqbal sa isang formal rites sa Malacañang nitong Lunes.

“I commit to support – in front of everybody – my covenant with you that I will support and husband this instrument as it goes in the legislator for its consideration… There will be no objections of the provisions of all that is consistent with the Constitution and the aspiration of Moro people…Within the context of the Republic of the Philippines, there shall be a Bangsamoro country,” ayon sa Pangulo.

Inilarawan ng mga mamahayag ang naging pahayag ng Pangulo bilang isang pahiwatig na hindi magtatagal ito ay kanyang ieendorso bilang isang urgent bill sa Senado at sa House of Representatives.

Ilang oras bago matanggap ng Pangulo ang draft, siniguro nina Senate minority bloc members Sonny Angara at Bam Aquino ang pagkakaloob ng atensiyon sa deliberation.

Ayon kay Angara, chair ng Senate committee on local government, magtatakda siya ng mga hearing sa oras na iparating sa kanya ang bill dahil “important to achieve lasting peace in Mindanao.”

“The BBL is long overdue. We should be prioritizing the fine tuning of the law, adopting what we’ve already learned from all the consultations, hearings, and 17 years of negotiations,” pahayag ni Aquino.

MILF AT MNLF MASAYA SA TAKBO NG BBL

Bagamat hindi alam ang nilalaman ng BBL, nagpahayag ng positibong reaksiyon ang MILF at ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa estado ng nasabing draft.

Para kay Hadji Bayan, isa sa mga lider ng MILF, naniniwala siya na may mga bagay silang magagawa sakaling ito ay maging ganap na batas.