Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayom

(Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Kia Picanto vs Phoenix

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

7 n.g. -- Alaska vs NLEX

UMPISA na ang ratsadahan sa season ending conference na PBA Governors Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Dalawang matinding bakbakan ang matutunghayan sa pagitan ng Kia Picanto at Phoenix ganap na 4:15 ng hapon kasunod ang salpukan ng Alaska at NLEX sa 7:00 ng gabi.

Ipaparada ng Picanto, dating Mahindra, ang balik import na si Markeith Cummings kapalit ng naunang nakuhang si Chane Behanan na lumagpas sa itinakdang sukat na anim na talampakan at limang pulgada.

Makakatapat naman niya bilang reinforcement ng Fuel Masters ang balik import ding si Eugene Phelps.

Magiging reinforcement naman ng Aces na naghahangad na muling makapasok ng finals matapos ang nakadidismayang performance sa nakalipas na Commissioners Cup si Buck Henton.

Sa pagkakataong ito, sisikapin ni Henton na maitawid ang Aces mula sa 6th place na pagtatapos noong nakaraang taon matapos silang gapiin ng Barangay Ginebra sa quarterfinals.

Makakatapat ni Henton sa kampo ng Road Warriors na naghahangad namang makaahon mula sa kanilang nakapanlulumong pagtatapos sa nakalipas na dalawang conferences si Aaron Fuller.

Beterano ng Mexican League ang dating undersized power forward ng University of Southern California na si Fuller.