Ni: Bella Gamotea

Ipasasara ngayong Miyerkules, Hulyo 19, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Quezon City government ang siyam na bus terminal sa siyudad dahil sa paglabag sa “nose-in, nose-out” policy.

Sinabi ni Jojo Garcia, chief of staff ni MMDA Chairman Danilo Lim, na mag-iisyu ngayong Miyerkules ang ahensiya ng “closure order” laban sa DLTB, Lucena Lines, Raymond, Saint Rafael, Our Lady of Salvacion, Jam Liner, Victory Liner, Dimple Star, at Roro Bus Line.

Maliban sa paglabag sa naturang polisiya, wala rin umanong permit ang mga nasabing terminal.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi pa ni Garcia na maliit ang espasyo ng mga nabanggit na terminal kaya hindi nagagawang umikot ng mga bus sa loob nito, na naging dahilan ng paglabag ng mga ito sa polisiya, at sa EDSA pa nagmamaniobra kaya naman nakakadagdag pa sa matinding traffic.