Kinuwestiyon ng House Committee on Ways and Means ang proseso ng Bureau of Customs (BOC) sa paglalabas ng memorandum order na nagsususpinde sa mga lisensiya ng importer at custom brokers na may mga kaso, alinsunod sa kampanyang anti-smuggling at anti-corruption ng ahensiya.

Sa pagdinig na pinangunahan ni Quirino Rep. Dakila Carlo Cua, tinanong ni House Deputy Speaker Sharon Garin kung may batayang legal ang pag-iisyu ng memorandum ni BOC Commissioner Nicanor Faeldon.

Kinuwestiyon din ni Garin ang koneksiyon ng naturang memorandum sa lisensiya ng stakeholder. “Wouldn’t it be the job of the accreditation (process) to suspend or seize the licenses?” tanong ni Garin.

Ipinaliwanag ng mga opisyal ng BOC na ang memorandum ay maaaring gamitin bilang paraan upang masugpo ang kaso ng pagpupuslit. - Bert de Guzman

Tsika at Intriga

Aagawan pa ng moment si Jesus? Denise Julia, 'reresbak' daw sa araw ng Pasko