NAKAIWAS ang Power Smashers na mabalahaw sa matikas na pakikidigma ng Banko Perlas tungo sa 25-22, 16-25, 26-24, 23-25, 15-12, panalo sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference nitong Sabado sa FilOil Flying V.

Nanindigan si Jovelyn Prado para pangunahan ang Power Smashers sa unang panalo sa pahirapang pamamaraan tampok ang team-high 22 puntos, kabilang ang krusyal na kills sa ikalimang set para makuha ang 12-10 bentahe.

HAY, BOLA! Napasubsob sa sahig si Charisse Ancherta ng Perlas nang tangkaing ma-save ang bola pabalik sa karibal na Power Smashers sa unang set ng kanilang laro sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference nitong Sabado sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City. Nanaig ang Power Smashers, 25-22, 16-25, 26-24, 23-25, 15-12. (MB photo | RIO DELUVIO

Nag-ambag si Regine Arocha ng 18 puntos para sa Power Smashers na bumalandra sa 0-3 kabiguan.

"Hindi pa rin yun yung hinahanap kong performance nila. Ang hinahanap ko kasi yung may magli-lead sa loob," sambit ni Pamilar.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nanguna si Nicole Tiamzon sa Banko Perlas sa naiskor na 22 puntos.

Nag-amnag sina Ella De Jesus ng 20 puntos at Suzanne Roces at Kathy Bersola na may 15 at 13, ayon sa pagkakasunod.

Sa unang laro, hataw si Alyssa Valdez sa naiskor na 30 puntos para sandigan ang Creamlime kotra Pocari Sweat, 25-15, 17-25, 25-19, 25-19, para mapanatiling malinis ang karta sa apat na laro.

Kumabig din sina Pau Soriano ng 15 puntos, kabilang ang krusyal na atake sa final stretch para mapatatag ang kampanya ng Creamline bago ang paglisan ni Valdez para sa isang buwang pagsasanay sa Japan bilang miyembro ng National Team.

Nanguna si Myla Pablo sa Pocari Sweat sa naiskor na 26 puntos para matikman ang unang kabiguan sa apat na laban.