Ni: Entertainment Tonight

NAHIHIRAPANG magmove-on si Nick Cannon. Kinapanayam ang 36-year-old musician at TV personality ni Nischelle Turner ng ET sa Kids Choice Sports Awards nitong Huwebes ng gabi at inaming hindi pa siya handang pumasok sa bagong relasyon matapos makipaghiwalay kay Mariah Carey.

Mariah at Nick copy

“I can’t. I’m broken,” aniya. “I’m shattered.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sinabi rin niyang, “I don’t have a girlfriend. I’m always dating. Why not? I’m a single man, I’m supposed to date.”

Nang tanungin kung may balak pa siyang makipagbalikan kay Mariah, magalang ang sagot ni Cannon para sa ina ng kanyang mga anak.

“She’s got a boyfriend!” aniya. “He’s a nice guy.”

Ibinahagi rin niyang “a special time” ang naging relasyon nila at “we made some amazing children together.”

Ang kambal na anak nila, sina Monroe at Moroccan, ay nagpapakita na ng mga palatandaan na susunod sa mga yapak nilang mag-asawa.

“They’ve been in the studio. They got records. It’s popping,” pagmamalaki ni Cannon. “I’ma be honest, I’m not a huge fan of putting children into the work force. But they love it, so they get into the studio. They’re singing, writing, rapping. It’s amazing.”