Ni: Francis T. Wakefield

Kinumpirma kahapon ng Quezon City Police District (QCPD) ang pag-aresto sa dalawang sugarol, dalawang drug suspect at isang pekeng Department of Public Order and Safety (DPOS) member dahil sa kasong robbery extortion with usurpation of authority at paghahain ng isa pang warrant of arrest para sa isang detinadong driver na umatake sa traffic enforcers kamakailan, sa anti-crime operations sa Quezon City.

Ayon kay QCPD Director Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar, inaresto ng isa sa mga tauhan ng Talipapa Police Station (PS-3) si Nestor Lozada, 31, ng No. J33, Barangay Tandang Sora, dakong 6:15 ang umaga nitong Biyernes.

Papasok na ang pulis sa PS-3, nang masilayan ang tatlong lalaki na naglalaro ng cara y cruz. Bumaba ang pulis mula sa kanyang motorsiklo at inaresto si Lozada habang ang dalawa niyang kasabwat ay nakatakas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, inaresto naman ng nagpapatrulyang Cubao Police Station (PS-7) personnel si Antonio Jose Javier, 19, ng No. 43 Driod Stree, Bgy. Kaularan, Cubao, sa Arayat St. corner Pinatubo St. Bgy. San Martin De Porres, Cubao, bandang 11:20 ng tanghali nitong Huwebes. Si Javier ay nahuling naglalaro ng cara y cruz habang ang dalawang iba pa ay nakatakas.

Si Eddie Magangcong, Jr., ang driver na nanakit ng MMDA traffic constables sa EDSA sa Cubao, ay hinainan ng panibagong warrant of arrest para sa kasong theft.

Inaresto naman ng Project 4 Police Station (PS-8) operatives si Faustine Billutes, 23, ng No. 43-J. Bgy Escopa 1, Project 4, sa buy-bust, sa P. Burgos St., Bgy. Escopa 1, dakong 1:20 ng madaling araw nitong Sabado.

Dinampot naman ng Kamuning Police Station (PS-10) operatives si Ricardo Lubian, 24, ng No. 27 B Gumamela St., Bgy. Roxas, Quezon City, sa buy-bust operation sa kanyang bahay, dakong 6:00 ng gabi nitong Biyernes.

Itinurn over naman ng Quezon City Department of Public Order and Safety (QCDPOS) si Reynaldo Cuntapay, 50, ng No. 58 Sitio Mendez, Bgy. Baesa, sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) dahil sa umano’y robbery extortion at usurpation of authority, bandang 10:00 ng umaga nitong Biyernes.