SINOPRESA ng Lyceum of the Philippines ang manoood at ang San Beda College Red Lions sa makapigil-hiningang 96-91 panalo nitong Biyernes sa 93rd NCAA basketball tournament sa Filoil Arena sa San Juan City.

NCAA copy copy

Kumubra si CJ Perez ng team-high ng 24 puntos habang kumana sina Cameroonian Mike Harry Nzeusseu ng 18 puntos at 13 board at Reymar Caduyac ng 16 puntos para sa ikalawang sunod na panalo ng Pirates.

Nagpamalas din ng kahusayn ang kambal na sina Jayvee at Jaycee Marcelino sa Pirates para makuha ang maagang solong pangunguna.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hataw si Jaycee sa naiskor na 14 puntos, habang si Jayvee ay may naiskor na pitong puntos, ngunit nalimitahan ng kanyang depensa ang pambato ng San Beda na si Robert Bolick sa final period.

“I’m just blessed to have these players who are driven,” sambit ni LPU coach Topex Robinson.

Iskor:

LPU (96)- Perez 24, Nzeusseu 18, Caduyac 16, Marcelino, Jc. 14, Baltazar 9, Marcelino, Jv. 7, Ayaay 4, Tansingco 2, Liwag 2, Santos 0, Ibanez 0, Pretta 0, Cinco 0

San Beda (91)- Bolick 21, Doliguez 19, Soberano 12, Mocon 10, Noah 9, Presbitero 8, Potts 4, Bahio 4, Adamos 2, Tankoua 2, Carino 0, Tongco 0, Abuda 0

Quarterscores: 24-18; 50-46; 73-74; 96-91