Ni: Nonoy E. Lacson

ZAMBOANGA CITY – Arestado ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), na sangkot sa Sipadan kidnapping noong 2002 at kasalukuyang nagtatrabaho bilang security guard sa isang shopping mall, sa Barangay Guiwan sa Zamboanga City, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO)-9 Director Chief Supt. Billy Beltran ang nadakip na bandido na si Abdulmubin Kudalat Salahuddin, nagtatrabaho ngayon sa Black Arrow Security Agency, at security guard sa isang mall sa siyudad.

Ayon kay Beltran, inaresto si Salahuddin sa Bgy. Guiwan bandang 10:45 ng gabi, at nakuhanan pa umano ng granada sa sling bag nito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kalaunan, nakumpirma umanong kabilang siya sa mga miyembro ng Abu Sayyaf na nagsagawa ng pagdukot sa Sipadan noong 2002.

Nabatid pa sa imbestigasyon na si Salahuddin ang nagsu-supply umano ng mga baril at bala sa kanyang mga kapwa bandido sa Jolo, Sulu.