NI: Bella Gamotea

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta patungo sa kani-kanilang destinasyon upang hindi maabala sa inaasahang matinding trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila dahil sa road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.

Sa pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 11:00 ng gabi kahapon sinimulan ang road reblocking sa Bonifacio Avenue hanggang sa Isarog Street (southbound); EDSA sa pagitan ng Times St., hanggang sa Quezon Avenue (2nd lane); northbound ng Mindanao Avenue at Mindanao tunnel; Congressional Avenue Extension, pagitan ng Tandang Sora Avenue hanggang Luzon Avenue; Quirino Highway, pagitan ng Mindanao Avenue hanggang San Sebastian (2nd lane); at westbound ng Luzon Avenue, pagitan ng Commonwealth Avenue hanggang Congressional Avenue Extension (1st lane) sa Quezon City.

Bukod pa rito ang pagkukumpuni sa southbound ng C5 Road, malapit sa Julia Vargas St.; Manila East Road, sa harap ng Little Lamb Learning Center, malapit sa Countryside sa Pasig City; at northbound ng Mac Arthur Highway, malapit sa Monumento Circle sa Caloocan City.
National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte