Ni: PNA

SHENZHEN – Umusad ang Filipino ace netter na si Francis Casey Alcantara sa doubles finals ng USD25,000 China-ITF Men’s Futures tournament nitong Huwebes sa Shenzhen Tennis Center.

alcantara copy

Nakipagtambalan si Alcantara, pambato ng Cagayan de Oro City, kay Indian Karunaday Singh para gapiin ang tambalan nina Yecong He ng China at Wishaya Trongcharoenchaikul ng Thailand, 7-6 (3), 6-3.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Makakaharap nina Alcantara at Singh,No.4 seed sa torneo, ang tambalan nina No. 3 Nam Hoang Ly ng Vietnam at Fajing Sun ng China. Nakalusot sina Ly at Sun kontra Australian Darren Polkinghorne at Taiwanese Tung-Lin Wu, 6-3, 4-6 [10-7].

Target ni Alcantara, 25, ang ikalimang sunod na titulo matapos magwagi sa Hong Kong nitong Hunyo 24 kasama si Singh.

Winalis naman ng tambalan nila ni Dutch Sem verbeek ang three-leg Singapore Futures.

Pangungunahan ni Alcantara, world’s No. 410 player, ang Philippine Team sa pagsabak sa Southeast Asian Games (SEAG) sa Malaysia sa Agosto.

Kasama rin sa line-up sina US-based Ruben Gonzales Jr., Jeson Patrombon, Alberto Lim Jr., US-based Denise Dy, Khim Iglupas, Filipino-German Katharina Melissa Lenhert, at Anna Clarice Patrimonio.