HINDI katanggap-tangap sa pamunuan ng Perpetual Help ang naging desisyon ng NCAA nitong Martes na bawiin ang 69-65 panalo ng Altas laban sa St. Benilde Blazers bunsod nang isyu sa maling naisuot na jersey.

Opisyal na isinumite ng Perpetual ang protesta hingil sa naturang desisyon nitong Miyerkules. Nais ng Las Pinas-based school na panatilihin ang natamong panalo ng Altas laban sa Blazers dahil tila naabuso ang sistema.

Anila, lumalabas na dalawang ulit na pinatawan ng kaparusahan ang Altas dahil binigyan ang koponan ng technical para sa libreng free throw ng Blazers at sa pagtatapos ng laro, binawi ang nakamit na panalo.

Sinabi ni NCAA Management Committee chairman Fr. Glyn Ortega, OAR, ng host San Sebastian kahapon na prioridad nilang talakayin ang naturang protesta.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We’re still deliberating on it today (yesterday),” pahayag ni Ortega.

Binawi ang panalo ng Perpetual nang dark jersey ang naisuot ng Altas na dapat sana ay white jersey. Nagdesisyon din ang Mancom na bawiin ang panalo ng Perpetual Help juniors laban sa La Salle-Greenhills, 64-60.

Kinuwestyon ng Perpetual Help ang naging desisyon ni Commissioner Arturo “Bai” Cristobal at ng Mancom na itinuloy ang laro imbes na patawan ng ‘default’ dahil sa pagkakamali sa isinuot na jersey.

Malinaw na kaagad na inako ng pamunuan ng Perpetual Help ang pagkakamali dahil sa kabiguan na maihatid sa tamang oaras ang white jersey ng Altas. Kung sa oras mismo ng laro ay nagdesisyo na si Cristobal at Mancom ng ‘default’ magaan itong matatanggap ng Perpetual.

Ngunit, nagbigay lamang ng technical free throw para sa Perpetual.

Mismong si St. Benilde coach Ty Tang ay nagpahayag ng pagkadismaya kung bakit itinuloy pa ang laro na dapat sana’y idineklara na lamang na default kesya naging kontrobersyal dahil sa forfeiture.

“For me, the game should have been over before it started,” pahayag ni Tang.